CSC memo na nagbabawal sa government workers na mag-post tungkol sa politika, ipinawawalang bisa sa Korte Suprema

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupong Bayan Muna upang kuwestiyunin ang legalidad at pagiging constitutional ng Civil Service Commission Memorandum Circular No. 3, Series of 2025.

Ito ay ang pagbabawal sa mga kawani ng gobyerno na mag-like, mag-share, komento o mag-post nang may kinalaman sa pulitika ngayong papalapit na midterm elections.

Sa petisyong inihain ngayong Biyernes, nakasaad na nilalabag ng CSC memo ang karapatan ng mga government employee sa ilalim ng Saligang Batas partikular ang freedom of expression, right to participate in political discourse at karapatan nila bilang manggagawa.

Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Atty. Neri Colmenares, paglabag ito sa karapatan ng mga kawani ng gobyerno na maglabas ng saloobin lalo na’t mamamayan din sila ng Pilipinas.

Kaya panawagan ng grupo, ihinto ang pagpapatupad ng naturang CSC memo.

Facebook Comments