CSWDS NG ALAMINOS SUMAILALIM SA FIRST AID AND BASIC LIFE SUPPORT

Sumailalim ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office sa First Aid Training and Basic Life Support.
Layunin ng aktibidad, na suportado din ng Philippine Red Cross Alaminos City-Western Pangasinan Chapter na lalo pang madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng ating mga kawani tungkol sa tamang pagresponde at upang maging handa at ligtas sa anumang darating na uri ng sakit o sakuna lalo na sa panahon ng pandemya.
Naging makabuluhan ang pagsasanay sa tulong nina PRC-ACWPC Instructors, CD Rivera at Jion Carlo Lopez.

Samantala, naobserbahan parin ang social distancing sa nasabing aktibidad.|ifmnews
Facebook Comments