CURFEW SA MGA MENOR DE EDAD SA BAYAMBANG, IPATUTUPAD

Ipatutupad na sa bayan ng Bayambang ang curfew para sa mga menor de edad bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan.

Batay sa nilagdaang Municipal Ordinance No. 13 Series of 2025, ipinagbabawal na ang paglabas ng mga menor de edad na edad 17 taong gulang pababa sa mga pampublikong lugar mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Sa ilalim ng ordinansa, may kaukulang parusa ang mga magulang o guardian na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang mga anak.

Unang ipatatawag ang magulang o guardian upang dumalo sa counselling kasama ang menor de edad at sa oras na umulit ay maaaring patawan ng ₱1,000 na multa o pagkakakulong ng hanggang 30 araw, o pareho depende sa magiging pasya ng hukuman. Habang sa ikatlong paglabag y maaaring pagmultahin ng ₱2,500 o makulong ng hanggang 60 araw, o parehong parusa ayon sa desisyon ng korte.

Pahihintulutan lamang ang paglabas ng mga sakop na edad sa loob ng itinakdang oras, kapag may kasamang nakatatanda o guardian at magulang, na may kalakip na kaukulang pagkakakilanlan o dokumento.

Inaasahan na mapapanatili ang kaligtasan ng mga kabataan mula sa anumang panganib at mapangalagaan ang kanilang kapakanan mula sa mga masasamang impluwensya na kadalasan laganap tuwing gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments