
Nakabalik na sa detensyon sa Senado ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya matapos sumailalim sa operasyon noong nakaraang linggo.
Kinumpirma ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na kaninang umaga ay nakabalik na dito sa Mataas na Kapulungan si Discaya.
Ayon kay Mendoza, maayos naman ang naging operasyon kay Discaya at na-clear na rin ito ng mga doctor at ipagpapatuloy na lamang ang kanyang recovery sa kanyang detensyon.
Noong nakaraang Huwebes ay dinala sa ospital si Discaya para sumailalim sa surgery dahil sa iniinda nitong sakit sa kanang balikat.
Si Discaya ay nakakulong sa Mataas na Kapulungan matapos na ipa-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Facebook Comments










