CYBER LIBEL | Kris Aquino, naghain ng reklamo sa DOJ laban sa kapatid ng kanyang business partner

490

Manila, Philippines – Naghain ng siyam na counts ng kasong cyber liber sa DOJ ang aktress na si kris Aquino laban sa kapatid ng kanyang business partner na si Atty. Jesus Falcis.

Ilan sa Ginamit na ebidensya ng kampo ni Aquino sa paghahain ng reklamo ay ang lumabas sa social media account ni Atty Falcis na pinagbabantaan daw na papatayin ni Aquino ang kanyang kapatid na si Nicko Falcis.


Ayon pa sa aktres, tinawag din siyang sinungaling ni Atty. Falcis.

Bukod pa aniya ito sa mga screenshot ng maluhong pamumuhay daw ng aktres kabilang na ang mga pagbiyahe sa abroad.

Nag-ugat ang iringan ng kampo ni Kris Aquino at Nicko Falcis nang magsampa ang aktres ng 44 counts ng theft laban sa kanyang dating manager at aide.

Sa salaysay ng aktres sa Department of Justice, nakasaad na sinimot daw ng kanyang dating manager ang pera sa kanyang kumpanya na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) kung saan nagsilbi ang respondent bilang managing director.

Facebook Comments

From Advertisers