DA at DENR, tutulong upang gawing salt tourism ang Pangasinan

Tumutulong na ngayon ang Department of agriculture at Department of Environment and Natural Resources upang gamiting tourism attraction ang Salt Farm sa Pangasinan.

Mismong hiniling ni Pangasinan Governor Ramon Guico III sa naturang mga ahensya na higit pang palalakasin ang produksyon ng asin sa lalawigan sa harap na rin ng tumitinding pakikipagkumpitensya ng mga imported na asin na pumapasok sa bansa

Sa katunayan, may ginagawa ng hakbang ang DENR para higit na mapasigla ang salt produksyon sa lalawigan.

Anya ang salt farm ay may 2 milyong salt fertilizer na ginagamit ng mga magsasaka ng lalawigan bilang pataba sa kanilang pananim.

Malaki rin aniya ang tulong ng salt production sa lalawigan dahil sa pamamagitan nito ay mas madaming Pangasinense ang may hanapbuhay para may maitustos sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments