
Magtutulungan ang Department of Agriculture (DA) at Department of Tourism (DOT) upang isulong ang food at farm tourism.
Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang domestic travel at makakaakit ng maraming dayuhang bisita sa mga farming sites sa bansa.
Layon nito na mapalakas ang ekonomiya sa mga kanayunan at makalikha ng mga trabaho.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mayroong pondo para sa maraming ilulunsad na inisyatiba.
Kabilang na dito ang organic farming, livestock production, mariculture, at aquaculture .
Gayundin ang mga proyektong imprastruktura tulad ng farm-to-market roads, cold storage facilities, ice plants at greenhouses.
Facebook Comments