DA: Halos 300,000 metriko tonelada ng bigas, maagang naani ng mga magsasaka dahil sa banta ng Bagyong Betty

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na halos 300,000 metriko tonelada ng bigas ang maagang naani ng mga magsasaka dahil sa banta ng Bagyong Betty.

Ang naturang hakbang ng mga magsasaka ay dahil na rin sa maagang abiso na inilabas ng DA bunsod ng mga weather bulletin ng PAGASA simula ng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Betty.

Ayon sa DA, mula ang naaning bigas sa Cordillera Administrative Region o CAR, Region 1, 2, 3 at 5.


Paliwanag ng DA, tinatayang aabot ₱4.84 Billion ang halaga ng naaning palay sa nabanggit na mga rehiyon kung saan nasa 34,954 metriko tonelada naman na mais ang maagang naani rin sa naturang mga rehiyon.

Ang naturang mga naani ay katumbas ito ng ₱709 million na halaga ng na-harvest na mais dahil sa banta ng Bagyong Betty.

Facebook Comments