DA, handang pautangin ang mga young professionals para mamuhunan sa agri-business

54

Manila, Philippines – Target ng Department of Agriculture (DA) na makapag-roll out ng credit program sa susunod na taon para mahikayat ang mga kabataan na  pasukin ang agri-business.

Ito ang nakikitang solusyon ni Agriculture Secretary William Dar upang mapunan ang tumatandang hanay ng mga magsasaka na nagpapakain sa buong bansa.


Naghahanap na ng mapagkukunan ng pondo ang DA.

Sa sandaling umarangkada na ang programa, ang mga Pilipino na nasa edad 18 hanggang 40 na nakapagtapos kahit anong kurso ay pauutangin ng ₱500,000.

Walang interest ang pautang na babayaran sa loob ng limang taon.

Kailangan lamang makapagsubmit ng transcript of records at feasibility study.

Facebook Comments

From Advertisers