DA, hinihikayat ang DSWD na isama ang bigas sa ipamamahagi sa pamilyang benipisyaryo ng 4Ps

86

Para lubos na matulungan ang mga magsasaka, makikipagugnayan ang Department of Agriculture sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bilhin ang kanilang mga palay.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, hihikayatin niya ang DSWD na isama ang bigas na ipamimigay sa mga pamilyang benipisaryo sa 4Ps: Pantawid Pamilyang Pilipino Program.


Maari aniyang pumili ang DSWD kung sa warehouse na bibili ng bigas o sa Local Government Units (LGUs).

Kung maalala 30 probinsya ang sumuporta na sila ang bibili sa magandang presyo ng palay sa mga magsasaka at magproproseso para maging bigas

Sa ngayon 25 pesos per kilo ng National Food Authority (NFA) rice habang 27 pesos naman benta ng mga NFA retailer.

Facebook Comments

From Advertisers