DA, kukuha pa ng dagdag na supply ng baboy sa SOCCSKSARGEN Region para mapatatag ang suplay at presyo sa Metro Manila

64

Humirit na ang Department of Agriculture (DA) sa Swine Industry players sa Region 12 para magpadala ng suplay ng baboy at iba pang pork products sa Metro Manila.

Layon nito na mapatatag ng DA ang suplay at presyo ng baboy sa National Capital Region (NCR).


Nakipagpulong na si DA Assistant Secretary for Agribusiness Kristine Evangelista sa South Cotabato Swine Producers Association (SOCOSPA) para sa shipment ng baboy.

Tiniyak naman ng asosasyon na hindi maaapektuhan ang suplay ng baboy sa SOCCSKSARGEN kahit magpadala sila ng suplay nito sa Metro Manila.

Facebook Comments