DA, magsasagawa ng food security summit

Maglulunsad ang Department of Agriculture (DA) ng 2021 National Food Security Summit bukas, May 18.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kailangang mapaigting ang food production, distribution at logistics system habang nahaharap ang sektor ng agrikultura ng bansa sa iba’t ibang hamon ngayong pandemya at kalamidad.

Kabilang sa mga magiging keynote speakers ng plenary session ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senators Cynthia Villar at Francis Pangilinan.


Ang tema ng event ngayong taon ay “Food for Today and Beyond: Transforming Philippine Agriculture.”

Inaasahang magrerekomenda ng istratehiya at polisiya ang ilang summit participants para maresolba ang ilang malalaking isyung kinakaharap ng mga magsasaka at mangingisda.

Tampok din dito ang talks mula sa ilang national at local government chief executives, kabilang si United Nations Food and Agriculture Organization (FAO) Director General Qu Dongyu.

Magkakaroon din ng physicial at virtual workshops sa iba’t ibang agriculture at fishery industry clusters.

Facebook Comments