DA, makikipagpuong kay Pangulong Duterte ukol sa rice import suspension

Makikipagpulong ang Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte para linawin ang pansamantalang suspensyon ng importasyon ng bigas.

Ayon kay Agriculture Spokesperson, Asec. Noel Reyes, handa sila na lagyan ng Moratorium ang importasyon ng bigas.

Pero dadaan aniya ito sa proseso.


Tingin naman ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, kailangang pag-aralang mabuti ang pagsuspinde sa rice importation.

Posible aniya kasing tumaas ang inflation.

Habang wala pang pinal na pag-uusap, hihigpitan ng Bureau of Plant Industry ang pagbibigay ng Phytosanitary Permit sa imported rice upang malimitahan ang pagpasok nito.

Naki-usap na ang DA sa iba pang exporting countries gaya ng Vietnam at Thailand na huwag maglabas ng Export Permit sa bigas habang wala pa iniisyung permit ang Pilipinas.

Facebook Comments