DA, naglaan ng P822-M para ayudahan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Bagyong Maring

105

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng inisyal na P822 million para tulungan ang mga magsasaka na sinalanta ng Bagyong Maring.

Ekta-ektaryang major crops, livestock at fishery products ang napinsala sa Northern Luzon.


Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mula sa kabuuang P822-M assistance, P650-M dito ay gagamitin sa emergency loans ng mga apektadong magsasaka at mangingisda sa ilalim ng SURE Calamity Loan Assistance Program sa pamamagitan ng DA-Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Bawat pamilyang magsasaka ay makakautang ng P20,000, na walang interest at collateral at babayaran sa loob ng 10 taon.

Naglaan din ang DA ng P172-M ng agricultural loan sa ilalim ng Quick Response Fund para sa rehabilitation ng mga sakahan at taniman sa Regions 1,2 & CAR.

Facebook Comments