DA, nilinaw na wala pang kumpirmadong kaso ng ASF sa Brgy. Commonweath sa Quezon City

26

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na walang kumpirmadong kaso ng African Swine Fever sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Ito’y matapos lumabas sa kanilang bulletin na kasama ang Barangay Commonwealth sa listahan ng mga lugar na may kaso na ng ASF.


Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, hindi Barangay Commonwealth kundi Barangay Pasong Tamo dapat ang inilagay sa listahan.

Bukod sa Barangay Pasong Tamo, kumpirmado rin ang kaso ng ASF sa Barangay Bagong Silangan, Payatas sa Tatalon.

Nagsasagawa na rin ng culling o pagpatay sa mga baboy sa Tandang Sora pero wala pang resulta ng pagsusuri roon.

Facebook Comments

From Advertisers