DA, palalawakin pa ang P20 rice program; 14-M na lower income rice consumers, isasama na sa makabibili

Target ng Department of Agriculture (DA) na mapalawak pa ang bente pesos na rice program hanggang sa 15 milyong Pilipino o 3.3 million households.

Sa isang pulong balitaan, inanunsyo ni Agriculture Spokesman Asec. Arnel de Mesa na makakasama na rito ang mga tinatawag na low income.

Depende na lang aniya ito sa mga LGU kung gusto nilang maging available ang benteng bigas sa lahat ng sektor.

Inihayag ni Asec. De Mesa na target ng ikalawang bugso ng programa ang Mindanao kung saan mataas ang insidente ng kahirapan.

Partikular ito sa Zamboanga del Norte, na magsisimula na sa Hulyo gayundin sa Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao, Davao Oriental, Maguindanao del Norte at maging sa Sorsogon sa Luzon.

Ang third phase naman ay sa Setyembre partikular sa Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Catanduanes, Agusan del Sur, Sarangani, at Dinagat Islands.

Facebook Comments