DA, pinababaliktad sa Supreme Court ang desisyon ng Malabon RTC na payagan ang commercial fishing sa municipal waters

Umapila ngayon ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) sa Korte Suprema na baliktarin o huwag nang payagan ang pagsasagawa ng commercial fishing vessels na makapasok sa municipal waters.

Una rito, naghain na ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ang Department of Agricuture para baliktarin ang desisyon ng Malabon Regional Trial Court na nagdeklarang unconstitutional ang probisyon ng Fisheries Code sa preferential access.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dapat nakalaan lamang para sa maliliit na mangingisda ang municipal waters sa ilalim ng Fisheries Code.


Nababahala kasi si Secretary Laurel sa posibleng epekto sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda ang naging desisyon ng Korte, maging sa epekto nito sa Marine Ecosystems.

Base sa desisyon ng first division ng Korte Suprema, kinatigan nito ang naging desisyon ng Malabon Regional Trial Court na nagdeklarang unconstitutional ang probisyon ng Fisheries Code sa preferential access, batay sa inihaing petisyon ng Mercidar Fishing Corp.

Base sa naturang desisyon ng Korte Suprema, ibig sabihin nito pwede nang mangisda ang mga barkong pang-komersiyo sa naturang mga baybayin.

Tiniyak naman ng kalihim na pangangalagaan nito ang kapakanan ng mga maliliit na mangingisda gayundin ang pagpapahalaga ng mga yamang dagat.

Facebook Comments