DA, pinag-iingat ang industriya ng saging sa banta ng Panama disease

Maliban sa mga meat products, hinigpitan na rin ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapasok ng mga prutas, mga gulay at iba pang uri ng halaman galing sa labas ng bansa.

Ginawa ni Agriculture Secretary Manny PiƱol ang kautusan kasunod naman ng banta ng Panama disease na posible naman na sumalanta sa industriya ng saging.

Nauna nang naghigpit ang DA sa implementasyon ng quarantine protocols para hindi maipasok sa bansa ang mga karneng baboy at pork-based na produkto mula sa 13 bansang apektado ng ASF.


Humingi ng pang unawa sa publiko si Agriculture Secretary Manny PiƱol sa paghihigpit na ipinatutupad ng mga quarantine officers sa international airport.

Tugon ito ni PiƱol sa ilang nakikiusap sa kaniya na mabigyan ng exemption para maipasok ang kanilang mga produkto nang hindi na mangangailangan ng sanitary permit.

Facebook Comments