DA, pinakilos ang BAI na itaguyod ang pag-aalaga ng kuneho o rabbit para sa meat consumption at livelihood prospects

53

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary William Dar, sa Bureau of Animal Industry na suportahan ang produksyon at distribusyon ng kuneho o rabbit para sa meat consumption at livelihood prospects.

Ginawa ni Secretary Dar, ang kautusan matapos ang isinagawang Rabbit Dispersal Project launch sa Caloocan City.

Ayon sa Kalihim, nakahanda ang DA na suportahan ang adbokasiya ng Association of Rabbit Meat Producers Inc., na paunlarin ang local rabbit industry.


Nais ng DA chief na makabuo ng guidelines ang BAI sa lalong madaling panahon kung paanong makapagkakaloob ng assistance sa mga magnanais na sumubok sa rabbit industry.

Facebook Comments