DA, pinatutukan sa Bureau of Plant Industry ang plant research at pagpapalakas sa export crops

29

Pinatutukan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang Bureau of Plant Industry ang pagpapalago ng mga high-value crops na may competitive advantage sa global market.

Nais matiyak ni Agriculrure Secretary William Dar na muling maibalik ang pangunguna sa plant research at pagsulong ng export crops sa ilalim ng new normal.


Hindi rin dapat maantala ang pamimigay ng technical support sa mga magsasaka para makalikha sila ng mga masustansiya, abot-kaya at world-class crops at iba pang food products.

Hiling pa ng kalihim sa BPI na dapat na ring isama sa urban agriculture ang community gardening sa iba’t ibang paaralan, barangay, at subdibisyon sa buong bansa sa ilalim ng umbrella Plant, Plant, Plant program.

Facebook Comments