DA, pinawi ang pangamba na may kakapusan ng bigas kaya magdedeklara ng food security emergency

Walang kakapusan sa suplay ng bigas kahit planong magdeklara ng food security emergency ang pamahalaan.

Ito ang naging pagtitiyak ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa.

Paliwanag ni De Mesa, ang tanging dahilan ng food security emergency ay ang kakaibang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.


Ani De Mesa, marami ng mga programa ang pamahalaan upang maibaba ang presyo ng bigas pero tila hindi ito nagiging epektibo.

Matatandaan na naging campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibababa niya sa bente pesos kada kilo ang presyo ng bigas.

Facebook Comments