DA, pinayuhan ang mga residenteng lumalabas ng bahay para mamalengke 

56

Pinaalalahanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang publiko na huwag magtungo sa mga talipapa o palengke kung mayroong sakit.

Ayon kay Dar, isa sa posibleng pagmulan ng virus ay ang pakikihalubilo ng mga tao sa merkado.


Payo ng kalihim, mas makabubuting magpatingin na sa doktor kung may hindi magandang nararamdaman at ipaubaya sa iba ang pamamalengke.

Dapat din aniyang ugaliin ng mga pupunta sa palengke na magsuot ng face masks at pairalin ang social distancing.

Facebook Comments