
Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tuloy pa rin ang bagong lunsad na P20 program o bente pesos kada kilo ng bigas sa kabila ng kaniyang paghahain ng courtesy resignation.
Ginawa ni Kalihim Laurel ang pahayag kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa lahat ng miyembro ng gabinete na maghain ng courtesy resignation.
Mahigpit ang tagubilin ng Kalihim sa mga opisyal at kawani ng DA na ipagpatuloy lang ang trabaho.
Partikular na tinukoy ng Kalihim aniya ang paghahatid ng serbisyo sa mga magsasaka,mangingisda at sa publiko upang sa masigurong may matatag na suplay ng pagkain sa bansa.
Facebook Comments