DA, tinanggal na ang SRP sa local pork ngunit nagtakda ng price cap sa imported na karneng baboy

51

Simula sa April 9 ay aalisin na ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) para sa lokal na panindang karneng baboy.

Ito ang inanunsyo ni Agriculture Secretary William Dar sa joint virtual presser ng DA at Department of Trade and Industry.


Gayunman, magpapataw naman ito ng SRP sa mga imported pork.

Ang SRP para sa imported kasim ay P270 per kilo at P350 per kilo para sa liempo.

Magugunita na nauna nang nagpairal ng price cap ang DA sa pork at chicken products dahil sa kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng African Swine Fever.

Facebook Comments