DA, tiniyak na sapat ang suplay ng isda sa Metro Manila at karatig probinsya

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng isda at walang magiging paggalaw sa presyo nito sa Metro Manila at mga kalapit probinsya.

Ayon sa DA,umabot sa 3,760 metric tons ang marine fish ang naibaba sa Navotas Fish Port Complex kung saan higit na mas marami ito kumpara sa naitala noong nakaraang linggo.

Karamihan sa mga isdang ito ay galunggong, turay, tulingan, tunsoy, tamban, pusit, matambaka, gulyasan, dalagang bukid, at hipon na nanggaling pa sa mga sa mga probinsya ng Eastern at Northern Palawan, Zambonga Peninsula at Visayan Sea.


Facebook Comments