DA, umapela ng ₱24-B pondo para tugunan ang nagbabadyang food crisis sa bansa

94

Umapela ng ₱24 billion na pondo ang Department of Agriculture (DA) sa susunod na administrasyon upang matugunan ang nagbabadyang krisis sa pagkain.

Matatandaang kahapon, nagbabala si DA Secretary William Dar na posibleng magkaroon ng food crisis dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine na nakaaantala sa global food supply chain na nakaaapekto naman sa agricultural productivity ng Pilipinas maging ng ibang bansa.

Samantala, gagamitin ng ahensya ang pondo para pataasin ang produksyon ng pagkain, pambili ng abono o fertilizer at ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda.


Layon din nito na maging abot-kaya ang pagkain gaya ng pangako ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ₱20 per kilo na bigas.

Balak din ng DA na magbigay ng mga truck sa mga kooperatiba at asosasyon para sa pagbiyahe ng mga prutas at gulay at maiwasan ang pagkabulok ng mga ito.

Facebook Comments