DA, wala pang plano para i-regulate ang pagbebenta ng ornamental plants

104

Wala pang plano ang Department of Agriculture (DA) na i-regulate ang pagbebenta ng ornamental plants sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, gusto ng mga Pilipino na may tanim sa kanilang mga bahay.


Pero umapela si Dar sa mga nagtitinda na panatilihing abot-kaya ang presyo ng mga ornamental plants.

Ang Bureau of Plant Industry, attached agency ng DA ay ipinapanukalang magkaroon ng guidelines para i-regulate ang ornamental plant industry para matulungan ang mga maliliit na negosyante at matiyak ang kalidad para sa mga konsyumer.

Facebook Comments