Daan-daang Biktima ng Typhoon Ulysses sa Quirino, Tumanggap ng Tulong mula kay Se. Bong Go

14

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 273 benepisyaro ang nabigyan ng tulong mula kay Se. Bong Go na biktima ng bagyong Ulysses sa bayan ng Diffun, Quirino.

Ang grupo ng Senador ay namigay ng mga pagkain, facemasks, face shields, vitamins habang tumanggap naman ng bagong pares ng sapatos at bisekleta ang ilang mga piling benepisyaryo.


Ilan naman sa mga benepisyaryo ay tumanggap ng computer tablet na tulong para sa mga may anak na nag-aaral upang may magamit at makasabay sa online learning.

Bukod dito, namigay din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya bilang tulong at suporta ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa kabuuan, nakapagbigay na rin ng parehong tulong ang grupo ng Senador sa iba’t-ibang bayan ng Lalawigan gaya ng Cabarroguis na may 319 benepisaryo, 323 sa bayan ng Maddela at 726 benepisyaryo naman ang natulungan sa bayan ng Nagtipunan.

Facebook Comments