Daan-daang residente ng Dagupan ang araw-araw na bumibisita sa City Health Office (CHO) upang magpa-check up, kumuha ng libreng gamot, at sumailalim sa mga laboratory at diagnostic tests, kabilang na ang bakuna laban sa rabies—lalo na tuwing Martes at Biyernes.
Ayon sa pamahalaang panlungsod, hindi pa kabilang rito ang mga pasyenteng inaasikaso sa dalawang Super Health Centers at sa mga isinasagawang home visit sa iba’t ibang barangay.
Target din ng lungsod na madoble pa ang bilang ng mga benepisyaryo sa pagbubukas ng mga bagong pasilidad gaya ng mammogram, 2D echo, at ultrasound services.
Patuloy pa umano na pinalalawak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga programang pangkalusugan para maihatid ang abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣