Daan-daang kargang steel plate ng isang truck, nalaglag sa NLEX sa Quezon City

93

Daan-daang steel plate na karga ng isang truck ang nahulog sa bahagi ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Balintawak, Quezon City.

Ayon sa driver ng truck, galing silang Bulacan at magde-deliver sana ng mga bakal sa Quezon City kaninang alas-3:00 ng madaling araw nang mahulog ang mga karga nilang steel plate.

Paliwanag ng truck driver na ayaw magpabanggit ng pangalan, bumigay ang kalang sa gilid ng 10 wheeler truck na naging dahilan para malaglag ang 100 pirasong steel plate.


Tinanggal na ang mga nalaglag na steel plate at nadadaanan na rin ng mga motorista ang naturang lugar matapos malaglag ang steel plate.

Facebook Comments