Daang bilang ng mga magsasaka mula sa Bicol, sumugod sa DAR

Manila, Philippines – Sakay ng 48 bus, sumugod sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa eliptical circle ang daang-bilang ng mga magsasaka mula sa Bicol region.

Kasunod naman ito ng kanilang isasagawang camp-out sa paligid ng DAR.

Mamayang alas singko ng hapon ay magsasagawa ang mga ito ng torch parade.


Giit ng mga magsasaka, ilang pangulo na ng bansa ang nagdaan, pero hanggang ngayon panahon ni Pangulo Duterte, wala pang kasagutan sa kanilang mga problema sa sakahan.

Sa ngayon ay apat na lane ng elliptical circle ang sakop ng mga bus sinakyan ng mga magsasaka, na nagdudulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments