
CAUAYAN CITY – Natapaos na ng Department of Public Works and Highways – Regional Office II ang pag-aayos ng Daang Maharlika sa Tumauini at Cabagan, sa lalawigan ng Isabela.
Kabilang sa rehabilitation project ang paglalagay ng 1.147-kilometer ng aspalto at reflectorized thermoplastic markings sa daan.
Sakop din ng proyekto ang reblocking ng Portland Cement Concrete Pavement (PCCP) na aabot sa anim (6) na metro.
Ayon sa ahensya, ang naturang rehabilitasyon ay upang makapagbigay ng mas maayos at ligtas na daan sa publiko.
Ito rin ay nakahanay sa programang “Build Better More” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriation Act (GAA) sa halagang P61.4 million.
Facebook Comments