Daddy at Husband ni Heart Evangelista, nagkaayos na

93

Aminado ang ama ng aktres na si Heart Evangelista na si Reynaldo Ongpauco na nanghinayang ito na hindi niya agad nakasundo noon si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Sa kaniyang bagong Vlog, ibinahagi ni Heart ang magandang samahan ngayon ng kanyang ama at asawa.

Say ni Heart, talagang naniniwala siya sa kasabihang hindi dapat pinipilit ang isang bagay dahil ibibigay sayo ang hinihiling mo sa tamang panahon.


Matatandaang hindi naging okay ang relasyon ni Chiz sa mga magulang ni Heart dahil hindi boto ang mga ito sa pagpapakasal nila.

Facebook Comments