DAGDAG | 15-day buffer stock, pinadadagdagan ng 45 araw ni Pangulong Duterte

20

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Food Authority (NFA) na gawing 60-day ang buffer stock ng bigas mula sa kasalukuyang 15-araw.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, inatasan ng Pangulo si Finance Secretary Carlos Domiguez na tumulong sa pagpopondo ng local rice procurement program ng NFA.

Aniya, inatasan na din ng Punong Ehekutibo ang NFA na itaas ang presyuhan nito sa pagbili ng ani ng mga magsasaka.

Facebook Comments