Dagdag-bawas sa langis, ipatutupad sa Martes

110

Goodnews sa mga motorista, may rollback sa presyo ng diesel at keresone, epektibo sa Martes.

 

Bunsod ito ng paghina ng demand sa diesel at paglakas ng piso kontra dolyar.


 

Maglalaro sa P0.35 hanggang P0.45/liter ang bawas sa presyo ng keresone habang posibleng walang galaw o magkaroon ng rollback na P0.10 kada litro sa diesel.

 

Pero ang bad news may P0.20 hanggang P0.30/liter na dagdag sa presyo ng gasolina.

 

Ito ay dahil naman sa maintenance shutdown ng mga oil refineries kaya bahagyang kumonti ang suplay nito sa Asya.

 

At dahil rin sa paglakas ng demand nito sa pandaigdigang merkado.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers