Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, ipapatupad bukas

112

Magpapatupad ng dagdag-bawas ang mga kompanya ng langis sa presyo ng kanilang produktong petrolyo bukas, may 24, 2022.

Batay sa abiso ng Caltex, Pilipinas Shell at Seaoil, mayroon silang P3.95 na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P2.30 ang itatapyas sa diesel at P2.45 sa kerosene.

Kaparehong presyo rin ang ipapatupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil maliban sa kerosene.


Ang oil price adjustments ay epektibo alas-6:00 ng umaga maliban sa Caltex na ipapatupad ito ng alas-12:01 ng madaling araw habang alas-8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Inaasahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

Facebook Comments