Dagdag kapasidad sa operasyon ng ilang establisyemento, papayagan na simula sa pagpasok ng buwan ng Hunyo – DTI

39

Tinaasan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kapasidad sa mga kainan at personal care establishments simula sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, mula sa 10% capacity ay magiging 49% na ang pinayagang kapasidad sa mga naturang establisyemento.


Dagdag pa ni Lopez, madadagdagan pa ito kung makakakuha na ang mga establisyemento ng safety seal mula sa kanilang tanggapan.

Ayon pa sa kalihim, sa pagbubukas ng mga negosyo at pagdagdag ng kapasidad nito ay mas mahigpit na ipinapatupad ang pagsunod sa mga safety and health protocols upang maiwasan ang patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments