Dagdag na bed capacity ng West Visayas Medical Center, makakatulong ngayong pandemya

126

Madadagdagan na ang bed capacity ng West Visayas Medical Center (WVMC) matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para dito.

Ikinalugod ni Assistant Majority Leader at Iloilo City Rep. Julienne “Jam” Baronda, may akda ng batas, ang paglagda ng Pangulo sa RA 11496 na maitaas sa 700 mula sa 425 ang bed capacity ng WVMC.

Kasama rin sa batas ang pagsasaayos ng pasilidad at pag-hire ng dagdag na personnel para mapalakas pa ang premiere government medical facility ng Rehiyon.


Makakatulong aniya ang mga pagbabago na ito sa WVMC upang mas mapaigting ang health care services sa mga Ilonggo lalo ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

Nagpasalamat din si Baronda sa ibinigay na suporta ng kamara at senado para sa tuluyang pagsasabatas ng panukala.

Facebook Comments