
tIkinalugod ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng ₱1 billion pondo para sa pagtatayo ng bagong child development centers sa mga mahihirap na komunidad sa buong bansa.
Bunsod nito ay iminungsahi ni Yamsuan na maisama sa nabanggit na pondo ang dagdag na benepisyo para sa daycare workers.
Layunin ng suhestyon ni Yamsuan na mapahusay ang kakayahan ng daycare workers sa pagbibigay ng early childhood care and education.
Ayon kay Yamsuan, grabe ang mga sakripisyo ng mga nagtatrabaho sa child development centers na karamihan ay volunteers pero tila napabayaan na ang kanilang kalagayan.
Facebook Comments