Dagdag na contact tracers, kailangan sa NCR

Hihiling ang Metro Manila Council (MMC) sa national government na palawigin ang kontrata ng mga contact tracers sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, nasa 15,000 contact tracers mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mayroong kontratang mapapaso na sa susunod na buwan.

Makikiusap sila sa DOLE ng karagdagang manpower lalo na at kritikal ang panahon ngayon.


Plano nilang humiling ng extension na hanggang tatlong buwan.

Kailangang paigtingin ang contact tracing lalo na at magastos para sa local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng granular lockdowns.

Facebook Comments