Dagdag na mga kooperatiba, sumama na sa PUV Modernization Program ng gobyerno

Manila, Philippines – Labinlima pang units ng jeepney ang nabigyan ng ruta sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng gobyerno.

Ang 15 units na ito ay mula sa Villamor Jeepneys Operators & Drivers Association o VJODAS na nakapaloob sa Pasang Masda Jeepney Drivers and Operators Services Inc.

Ito ay may rutang Nichols – Magallanes – MOA – PITX .


Ipinakilala na rin ang aktor na si Robin Padilla bilang ambassador ng PUVMP.

Ang PUV Modernization Program ay ang flagship, non-infrastructure project ng Duterte administration na may layuning gawing ligtas, kumportable, maginhawa at environmentally-sustainable ang public transportation system sa bansa.

Facebook Comments