Dagdag na P1.23 billion pondo para sa SRA ng panibagong batch ng healthcare workers, inihirit ng DOH sa DBM

Humirit ang Department of Health (DOH) ng karagdagang P1.23 bilyon pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para sa Special Risk Allowance (SRA) ng panibagong batch ng healthcare workers.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, una nang naglabas noong Agosto ang DBM ng P311 milyon supplemental SRA budget sa DOH at P888 milyon ngayong Setyembre na kanila ng naipasa sa mga health facility.

Bukod dito, P15.1 bilyon aniya ang inilabas ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga healthcare workers para sa SRA, hazard pay, life insurance, accommodation, pagkain, at pamasahe.


Facebook Comments