Dagdag na pwersa mula sa AFP para sa pagbibigay seguridad sa SONA ng Pangulo, naka-stand by na

45

Manila, Philippines – Handa ang Armed Forces of the Philippines na magdeploy ng mga sundalo para matiyak na magiging mapayapa ang magiging State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, bagamat ang Philippine National Police ang lead agency sa pagbibigay ng seguridad sa gaganaping SONA, tutulong aniya ang AFP sa pamamagitan ng pagdedeploy din ng mga dagdag na tao.

Pero ang PNP aniya ang bahalang magtalaga ng mga designated area para sa mga sundalong kanilang idadagdag.

Mayroon aniya silang main force na tutulong sa PNP.

Habang mayroon ding reserve force na anumang oras at pangangailan ay kanilang idedeploy.

Sa ngayon, isa lamang daw ang matitiyak ng AFP handa sila sa anumang pagbabanta sa seguridad.

Facebook Comments