Dagdag na satellite voter registration, itinutulak ng minorya sa Kamara

31

Isinusulong ng minorya sa Kamara na magtatag pa ng mas maraming satellite voter registration sa bansa.

Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, nababahala ang mga miyembro ng oposisyon na hindi makamit ang target na bilang ng mga bagong botante na magpaparehistro bunsod pa rin ng limitasyon sa paggalaw dahil sa community restrictions.


Sa House Resolution 1796 ay hinihiling ng minorya sa Commission on Elections (COMELEC) na dagdagan pa ang mga satellite voter registration upang mabigyang pagkakataon ang constituents na nais magparehistro para sa eleksyon ng susunod na taon.

Sa ganitong paraan ay hindi maiipon ang mga tao sa isang lugar kasabay ng pagtiyak na nasusunod ang safety at health protocols.

Dagdag dito ay hindi rin magiging problema ang September 30 na deadline sa voter registration dahil mas madami na ang satellite registration.

Babala ni Fortun, kung hindi dadagdagan ang mga satellite voter registration ay malabong makamit ang 4 million na bagong voter registrants at 1 million activation ng deactivated voters.



Nangangamba rin ang kongresista na malaki ang epekto nito sa turnout ng boto pagsapit ng halalan sa 2022.


Facebook Comments