Dagdag pang suplay ng baboy mula sa iba’t ibang rehiyon, parating na sa Metro Manila

39

Dumating na sa Talao-Talao Port sa Lucena City mula sa Mindanao ang karagdagan pang shipment ng mga baboy para i-deliver sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar sakay ng Ro-Ro Vessel ang 13 trucks na naglalaman ng 1,350 live hogs na galing ng General Santos City.


Ang shipments ng baboy ay ihahatid sa mga government-certified slaughterhouses at ibebenta sa Metro Manila public markets.

Sa ulat ng DA, hanggang kahapon ay abot na sa 38,000 live hogs at 150,167 kg ng meat products ang naipadala sa National Capital Region mula sa ASF-free areas sa buong bansa.

Ngayong umaga, may parating pang shipment ng baboy sa Vitas Port sa Tondo, Manila na personal na sasalubungin ng kalihim ng DA.

Facebook Comments