DAGDAG PASAHE | Paglalatag ng flexible na fare matrix, tiniyak

10

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na maglalatag sila ng mas flexible na fare matrix.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport Mark De Leon, ipinag-utos na ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pagtatala ng batayan kung magkano ang idadagdag o ibabawas sa minimum fare.

Aniya, kapag mayroong oil price rollback dapat ay mayroong ring bawas sa pamasahe.

Sabi ni De Leon, target nilang maipatupad ang flexible fare matrix sa Disyembre.

Facebook Comments