Dagdag-presyo sa LPG, epektibo na ngayong araw

50

Epektibo ngayong araw, nagpatupad ng dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas o LPG ang mga kompanya ng langis.

Kaninang hatinggabi nang magpatupad ang Petron ng pisong dagdag sa kada kilo ng LPG o P11 sa kada 11-kilogram na tangke nito.

Nagmahal din ng P0.56 ang kada litro ng kanilang Auto LPG.

Nasa P0.89 kada kilo naman ang idinagdag ng Solane o P9.79 kada 11 kilo ng gasul.

Sa datos na inilabas ng Department of Energy, maglalaro sa P552 hanggang P782 ang presyo ng kada tangke ng LPG kasunod ng ipinatupad na price hike.

Facebook Comments