Dagdag presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad ngayong araw

48

Ipapatupad na ngayong araw ang dagdag sa presyo ng ilang produktong petrolyo.

Epektibo mamayang alas 6:00 ng umaga ang big-time Oil Price Increase ng iba’t-ibang kumpanya ng langis.


Nasa P1.35 ang dagdag sa presyo ng kada Litro ng gasolina, P0.85 sa kada Litro ng diesel at P1.00 sa kada Litro ng kerosene.

Ang dagdag presyo ay ipapatupad din ng PTT Philippines, Phoenix, Total, Petron, Shell at Seaoil.

Ang Oil Price increase ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments

From Advertisers