DAGDAG-SINGIL | Higit 200 unibersidad at kolehiyo, magtataas ng matrikula

26

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na 234 na mga private universities and colleges ang humiling ng tuition increase ngayong school year.

Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, 12 percent tuition increase ang hiling ng mga ito na mas mataas kung ikukumpara sa nakaraang taon.

Aniya, nasa 221 naman ang humiling ng dagdag bayad sa ibang bayarin sa eskwelahan.

Gayunman, sabi ni De Vera mas kakauti lang ang mga paaralang humiling ng increase kung ikukumpara sa 1,700 na mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Facebook Comments