DAGDAG SINGIL | Presyo na produktong petrolyo, tumaas muli!

Manila, Philippines – Magtataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Sa abiso ng ilang kompanya ng langis, epektibo mamayang alas sais ng umaga ay madadagdagan ng P0.65 ang kada litro ng diesel, kerosene at gasolina.

Kabilang sa mga nagtaas ng presyo ay ang Flying V, Petron, Seaoil at Shell Philippines.


Katulad na dagdag presyo rin ang ipatutupad ng Phoenix, Unioil, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Total at petro gas sa kanilang gasolina at diesel.

Ang naturang oil price hike ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments